Ryan Agoncillo not yet assured of hosting “Pinoy Fear Factor”

Ryan Agoncillo to host “Pinoy Fear Factor?”

Although there are already reports that Ryan Agoncillo will be the host of Pinoy Fear Factor, there is also a report that he won’t be able to do the show since he has to prioritize Pieta. But Ryan’s manager, Noel Ferrer, is till hoping that ABS-CBN will give it to Ryan.

Nabili ng ABS-CBN ang rights ng American reality show na Fear Factor mula sa Endemol. Marami ang nag-i-expect na ito na ang hinihintay na hosting job ni Ryan Agoncillo, na more than acting ay hosting talaga ang forte niya at patunay nito ang ilang awards na natanggap na niya for hosting.

Bukod dito, pagkatapos hindi matuloy ang paghu-host ni Ryan ng Pinoy Dream Academy 2, ‘tulad ng unang sinabi sa kanya, ang Pinoy Fear Factor na ang right project para sa kanya.

Sa ngayon ay nagpapa-audition na rin ang Pinoy Fear Factor para sa mga possible na contestants na dadalhin nila para mag-taping for one month sa Argentina in South America. Ipalalabas ito sa ABS-CBN simula sa September and will be spread over several months.

Pero may nakarating na balita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na mukhang malabo pa rin na si Ryan ang maghu-host ng Pinoy Fear Factor dahil may gagawin siyang Sine Serye sa ABS-CBN, ang Pieta. Ayon daw ito mismo sa Business Unit Head ng Pinoy Fear Factor na si Ms. Linggit Tan.

Sabi pa raw ng lady executive, underway na rin ang selection process sa pagpili ng magiging host ng show, pero ‘yon nga, malabo na raw na kay Ryan ‘yon mapunta dahil magsisimula na siyang mag-taping ng Pieta. Ika-can din muna raw ito, meaning tatapusin muna ang taping bago tuluy-tuloy na ipalalabas.

Kasalukuyang nasa Paris si Ryan kasama ang fiancée na si Judy Ann Santos para sa screening ng Ploning sa Paris Cinema Film Festival. Ito ang dahilan kung kaya’t hindi hindi pa nakakausap ni Ryan ang manager niyang si Noel Ferrer.

Si Noel ang tinawagan ng PEP para hingin ang komento niya tungkol sa issue na hindi na si Ryan ang maghu-host ng Pinoy Fear Factor. Noon pa tinatanong ng PEP kay Noel kung si Ryan na ba ang magho-host ng naturang realtiy show at ito ang sagot niya: “Sana. Matagal na niya talagang hinihintay na kausapin siya. Sana.”

Sa pakikipag-usap ng PEP kay Noel, ibinalita niya na sa Thursday (July 10) pa babalik sina Ryan and Juday from Paris.

“Pagdating nila rito, mag-uusap kami agad ni Ryan,” sabi ni Noel. “Alam ko kung si Ryan ang tatanungin, tiyak na ang gugustuhin niya ay ang pagho-host ng Fear Factor.”

Matagal na raw sinabi kay Ryan na gagawin niya ang Pieta. Dapat ay noon pa ‘yon nasimulang gawin ni Ryan, habang naghihintay sana siya ng pagsisimula ng Pinoy Dream Academy 2. Kaya lang daw ay hindi agad nasimulan dahil hindi natuloy ang aktres na gaganap sanang ina ni Ryan sa drama series.

Kasalukuyan pa raw naghahanap ang ABS-CBN ng gaganap na mother ni Ryan sa Pieta. May mga sinabi silang pinagpipilian nilang mga mahuhusay na mga aktres. Pero so far, wala pa naman silang sinasabi kung mayroon na silang napili to play his mother at kung kailan magsisimula ang taping.

“Sana, i-consider nila si Ryan to host Fear Factor,” asam ni Noel, “dahil kung ika-can naman pala ‘yong Pieta, puwede na rin sigurong simulan ang taping nito bago magsimula ang taping ng Fear Factor. Pagkatapos nito, saka naman niya itutuloy ang taping ng Pieta. Sana!”

Nangako si Noel na babalitaan niya ang PEP once na may napag-usapan na sila ni Ryan at ng ABS-CBN tungkol sa Pinoy Fear Factor at sa Pieta.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

If you like the post, please subscribe to my blog feed or Subscribe to Dahan-dahan Lang by Email

Related posts:

  1. Pinoy Fear Factor - Contestants
  2. Janna Dominguez - Pinoy Fear Factor Contestant
  3. Pinoy Fear Factor - South America Trailer
  4. Phoemela Barranda - Pinoy Fear Factor Contestant
  5. LJ Moreno - Pinoy Fear Factor Contestant



Leave a Reply