ABS-CBN talent Eda Nolan gives birth to a baby boy courtesy of GMA-7 artist Gian Carlos

Eda Nolan & Gian Carlos

Unknown to many, Eda Nolan and Gian Carlos have been going out for quite some time now. And on February 8, Eda gave birth to her child with Gian.

Bagama’t naunang pumutok ang balita na magiging ina na ang unang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado courtesy of Patrick Garcia at pati na rin ang pagiging ama ng Philippine Idol finalist Gian Magdangal sa ipinagbubuntis ng kanyang girlfriend na si Sheree, naunahan na pala sila ng StarStruck 3 First Prince na si Gian Carlos sa pagiging magulang. Gian became a father to a son last week, February 8, sa kanyang girlfriend na si Eda Nolan, an ABS-CBN talent.

Matagal na ang relasyon ng 18-year-old StarStruck 3 First Prince from Iloilo at ng 19-year-old finalist ng Star Circle Quest 2 from Cebu, ngunit hindi ito nababalita.

Two weeks ago, while covering the Iloilo audition of Pinoy Idol, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tumatayong pangalawang mga magulang ni Gian—sina Biko Ho Mabilog at ang asawa nitong si Bong Mabilog. Nabanggit nila na patuloy pa rin ang relasyon ng dalawa ngunit wala silang nasabi tungkol sa pagbubuntis ni Eda.

February 8 at 1:20 PM sa Jesus Immaculate Concepcion Hospital sa Marikina City, nanganak si Eda ng isang batang lalaki na pinangalanang Gian Andrei Ho. Paglabas nila sa hospital, nagsama na sa isang bahay sina Gian at Eda kasama ang ina ng young actress.

Binalikan namin si Tita Biko ni Gian but it was her husband Bong who answered the phone. Kasalukuyang nasa hospital ngayon si Biko undergoing treatment for Bell’s Palsy and the possibility of having a brain tumor. She recently underwent mastectomy.

Kuwento ni Bong, a pastor and owner of the biggest Christian school in Iloilo, hindi nila muna sinabi sa amin ang kalagayan ni Eda dahil parang clueless nga kami about this. So they waited for Gian to tell us this directly. Alam nilang nakakasama namin si Gian na isa ring regular sa Station 168 Internet Café sa Tomas Morato.

“At first, there was a disagreement with both parties,” kuwento ni Bong. “After a while, we just thought that everybody deserve another chance so we gave him the option of having a fresh start.”

Kinausap na ni Bong ang ina ni Gian, kapatid ng kanyang asawang si Biko na tumulak papuntang Manila para maasikaso si Gian. Kung dati ay hindi halos nila pinalapit ang ina sa anak, they consider this as a possible way of reconciliation for the two kung kaya’t sila na ang nag-suggest na sundan ng ina ang young actor na anak.

Sinubukan naming tawagan si Gian ngunit sira pala ang kanyang SIM card na naka-register sa amin. Nakakatanggap lang ito ng text, pero hindi nakakatawag, kung kaya’t ibang number ang ginamit niya para tawagan kami.

Si Gian ang nag-furnish ng ibang details dahil, initially, undisclosed ang hospital kung saan nanganak si Eda. We asked him what will happen now—will they live or think about marriage? Doon niya ikinuwento na kalilipat lang nila sa isang bagong bahay kasama ng ina ni Eda para tulungan silang mag-alaga sa unang anak nila.

“As to marriage naman po, focus kami ngayon kay baby. Sacred thing po kasi yun kaya hindi kailangang madaliin. But eventually, we will come to that,” pagtatapos niya.

Huling napanood si Gian sa GMA-7 primetime series na Zaido: Pulis Pangkalawakan at si Eda naman sa ABS-CBN Saturday teen show noon na Gokada Go.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

If you like the post, please subscribe to my blog feed or Subscribe to Dahan-dahan Lang by Email

Related posts:

  1. Sheree finally admits pregnancy courtesy of boyfriend Gian Magdangal
  2. Mau Marcelo, inggit kay Gian Magdangal?
  3. “Dennis Trillo is the father of Carlene Aguilar’s baby” — PEP source
  4. Bong Alvarez hits Gretchen Malalad
  5. Pahayag ng ABS-CBN sa SC decision sa stampede



Leave a Reply