Pahayag ng ABS-CBN sa SC decision sa stampede

Ikalawang anibersaryo ng Wowowee sa February 4. Ikalawang anibersaryo na rin ng stampede na naganap sa ULTRA noong 2006, dahilan para mapag-usapan muli ang kaso na isinampa laban sa management ng ABS-CBN.

May opisyal na pahayag ang ABS-CBN tungkol sa desisyon ng Supreme Court ngunit hindi kumpleto ang detalye. Hindi nilinaw ng ABS-CBN kung para saan ang kanilang statement. Hindi sila gumugol ng panahon para maintindihan ng tao ang kanilang pinanggagalingan. May pagka-amateur ang atake nila sa isang malaking isyu :

Magsasampa ng motion for reconsideration sa Supreme Court ang ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Nais naming bigyang diin na ang ibinigay na ruling ng SC ay hindi base sa merits ng kaso. Hindi ito pagdeklara ng pananagutan sa sinumang opisyal o staff ng ABS-CBN.

Naninindigan kami na hindi nagkulang ang ABS-CBN sa pagsasaalang-alang ng nararapat na paghahanda bago isagawa ang event. Bagama’t walang kapabayaan ang ABS-CBN at ang mga opisyal nito, gumagawa ng hakbang ang network na tulungan ang pamilya ng mga biktima sa pamamagitan ng 71 Dreams Foundation.

PILIPINO STAR NGAYON

If you like the post, please subscribe to my blog feed or Subscribe to Dahan-dahan Lang by Email

Related posts:

  1. Angel Locsin fans disappointed by her decision
  2. Paolo Paraiso “unprotected” while doing love scenes with Asia Agcaoili
  3. Spoiler! JC Tioseco Wins Survivor Philippines?
  4. If GMA-7 has “Survivor,” ABS-CBN has “Fear Factor”
  5. Bong Alvarez hits Gretchen Malalad



Leave a Reply