Jay-R Siaboc, may ‘karanasan’ na sa bading!

SA press release ng Star Magic, nakalagay na isang mahiyaing promdi si Jay-R Siaboc, na nagmula sa Toledo, Cebu City. Na dati siyang miyembro ng banda, bago siya sumali sa Pinoy Dream Academy.
Sabi pa, hindi raw mahilig sumali sa mga contest si Jay-R, pero pinilit siya ng mga kaibigan at pamilya niya, kaya nakapasok siya sa PDA.
At ‘yun na nga, sinuwerte na si Jay-R, hindi lang sa pagkanta, kundi mas lalo pa sa pag-arte. Nagbida sila ni Maja Salvador sa Your Song, na sinundan pa ng Pangarap na Bituin at Patayin sa Sindak si Barbara. At ngayon nga ay ka-join na naman siya sa Palos.
Last January 21 ay ika-21st birthday ni Jay-R at isa siya sa mga pina-interview ng Star Magic. At sa table na kinauupuan ko, na kung saan ay kasama ko ang isang beteranong manunulat, napag-usapan ang napakaraming acting project ni Jay-R sa ABS-CBN.
Sabi nga, bulung-bulungan na hawak daw ng isang maimpluwensiyang bading si JR sa Dos, kaya marami itong project, na daig pa ang mga sikat na talent ng Dos.
At dugtong na tanong pa kay JR, kung may karanasan na raw ba ito sa bading. At ilang segundo lang na nag-isip si JR at sumagot siya ng ‘oo.’
Na siyempre ay medyo ikinagulat ng mga manunulat, dahil parang kakaiba ito, na may isang artista na umaamin na natikman na siya ng bading. Ang dami ngang artistang lalake riyan, na kahit buking na buking na, itinatanggi pa rin ang kanilang karanasan sa mga bakla. May iba nga riyan na alam mo naman na alaga ng napakaraming bading, pero tila daig pa ang puting bond paper sa sobrang linis kung magsalita.
Eh, si JR, parang kaswal lang na nagsabi na ‘oo,’ sa tanong na kung may karanasan na siya sa bading. At sinundan pa niya na alam naman daw ng mga tao kung saan siya nanggaling.
Sabi pa niya, isa siyang ermitanyo sa kanilang lugar bago pa siya nakapasok sa showbiz.
Pero, parang naramdaman yata ni JR na baka mapahamak siya sa sagot niya, kaya tinangka niyang lumusot at sinabi niya na may karanasan na siya sa bading, pagdating sa pakikisama.
Pero, hindi pumayag ang mga manunulat sa paligid niya at sinabi na hindi naman ‘yon ang pinupunto ng tanong sa kanya.
At ‘yun na nga, wala na siyang nagawa, kundi ang manahimik na lang at sinabi na parang part of growing up ang naging sitwasyon niya.
Well, sa pag-amin ni JR na may karanasan na siya sa bading, posible kayang ma-turn off ang mga female fans niya at layuan siya, o baka puwede ring mas magustuhan nila si JR, dahil naging honest ito.
Pero sure ako, mas lalong gaganda ang tingin sa kanya ng mga bading. At alin ba ang mas marami, ang mga bading o ang mga girls? Kayo na ang sumagot!
DONDON SERMINO
Philippine Entertainment Portal





i cant believe it…..its not going to happen
grabe,…..nDe bading yan nohh…
pogie nga yan weh