Toni Gonzaga insists “Pinoy Big Brother” is not scripted
Matagal nang naiintriga na scripted daw ang nangyayari sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house. May hinala ang iba na kung anuman ang napapanood sa bawat karakter na pumapasok sa loob ng Bahay ni Kuya ay may sinusunod na script na mismong mga taga-PBB daw ang sumulat o may gawa.
Ngayon ay nasa loob ng bahay ang mga hosts nitong sina Mariel Rodriguez na sinundan ni Toni Gonzaga noong Linggo, October 28. Sinuwerteng nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni ilang oras bago siya pumasok sa Bahay Ni Kuya sa live presentation ng ASAP ‘07.
Pinabulaanan ni Toni na scripted o gawa-gawa lang kung anuman ang kaganapan sa loob ng PBB house.
“Every season naman, I think nagiging issue na ‘yan ng PBB. It can’t be scripted, ‘yan talaga ang nangyayari sa loob ng bahay,” diin ni Toni.
Patuloy niya, “I really don’t know what’s going on insde. Kahit ako, hindi ko alam kung ano ang nangyayari. I just go on in the set, read the script, and be surprised with what’s gonna happen next.”
Walang idea na siya na pala ang susunod na papasok sa loob ng Bahay ni Kuya bilang guest housemate, nagbigay pa ng depensa si Toni sa mga taong nao-off daw sa pagiging emotional ng co-host niyang si Mariel. Inamin din niya na sobrang nami-miss na nila ni Bianca Gonzales ang company ng co-host.
“Emotional talaga siya [Mariel] in person,” sabi ni Toni. “It just so happened na na-hype up lang dahil puamsok siya sa bahay, she’s very vulnerable.
“Nami-miss namin siya. Nasanay kasi kaming na kaming nagho-host na tatlo. It’s really different when she’s not with us.”
PAUL SORIANO. Samantala, dumaan din sa pagsubok ang relasyon ni Toni sa boyfriend nitong si Paul Soriano, kung saan nakuwestiyon ang krediblidad at sinseridad ng boyfriend ng TV host nang ma-involve ang pangalan ng direktor sa ipinagbubuntis noon ni Camille Prats.
Nang tanungin namin si Toni kung nabawasan ba ang tiwala niya kay Paul o kung may regrets siya na si Direk Paul ang pinili niyang maging first boyfriend, sinabi ni Toni na wala siyang pinagsisisihan.
“We’re okey, very okay. Going strong, it’s better than before. Yung tiwala, nandun na ‘yon ever since. If you have to get into something, you have to be sure na hindi mo pagsisihan. So far, so good, I don’t think I’m gonna regret knowing him,” pahayag ng dalaga.
MELBA LLANERA
Philippine Entertainment Portal
Related posts:
- Toni Gonzaga gets punked in Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2
- Toni Gonzaga becomes Celebrity Houseguest in PBB Celebrity Edition 2
- Kasalanan Ko Ba? (lyrics + video) - Toni Gonzaga
- Toni Gonzaga thinks that Angel Locsin will even be a bigger star in ABS-CBN
- My Only U - Toni Gonzaga & Vhong Navarro




