Dahan-dahan Lang
Entertainment News. Celebrity Gossip. American Idol. Babes. Hunks. Served hot and fresh.

Martin Nievera, sirang-sira sa revelations ni Pops

Sep 30th, 2007 by denzity 332 x, 9







Karamihan sa mga nakabasa ng 16-page tell-all interview kay Pops Fernandez sa October 2007 issue ng YES! magazine ay biglang nag-iba ang tingin sa dating asawa ni Pops na si Martin Nievera.

May mga kakilala kami na dati ay todo ang sampalataya sa Concert King pero ngayon ay tila nakaramdam ng pagkamuhi sa kanilang idolo.

Sirang-sira si Martin sa mga eksplosibong pagbubunyag ni Pops, siyam na taon matapos silang maghiwalay bilang mag-asawa.

Naiintindihan namin na kay Pops ang simpatiya ng karamihan kundi man ng lahat ng nakabasa ng kanyang mga isiniwalat na sentimyento dahil siya ang babae at siya ang kinaliwa.

Siyam na taong kinimkim ni Pops ang masasakit at mapapait na pinagdaanan niya sa 12-year marriage nila ni Martin kaya ganu’n katindi ang impact nang finally ay mapagpasyahan niyang ibulalas ang lahat-lahat.

Mainit ang emosyon ni Pops nu’ng panahong mainterbyu siya ng YES! sa kanyang tahanan sa Ayala Alabang dahil ‘yun ‘yung panahong sumama nang husto ang loob niya sa ‘monkey issue’ with Katrina Ojeda.

Mariing idinepensa ni Pops ang kanyang mga anak na sina Robin at Ram sa masalimuot na isyung ‘yon na kinasangkutan ni Martin at ng karelasyon nitong si Katrina.

Ayon sa kuwento ni Pops sa nasabing artikulo ay umabot sa maigting na sigawan at murahan ang pagtatalo nila ni Martin sa telepono hinggil sa ‘monkey issue’ na si Katrina ang pinagmulan.

Dahil doon ay parang bulkang sumabog ang dibdib ni Pops at ang maselang kuwento sa likod ng kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Martin na matagal niyang inilihim at iningat-ingatan ay inihayag na niya sa publiko.

May mga tagadepensa si Martin na nagsasabing hindi na raw ito dapat ginawa pa ni Pops at inisip man lang daw sana nito ang mga anak nila ni Martin na maaapektuhan ng lumalalang away ng dating mag-asawa.

Pero ayon sa kampo ni Pops, karapatan ng Concert Queen na magsalita at sabihin ang gusto niyang sabihin para sa ikalilinaw ng mga bagay-bagay.

Mahusay raw kasing magsalita si Martin subalit hindi lahat ng sinasabi nito ay katotohanan.

Nakarating sa amin ang balitang pinag-aaralan umano ng kampo ni Martin kung anong aksyon ang posible nilang gawin hinggil sa explosive revelations ni Pops sa YES!

Walang direktang nabanggit sa amin na balak idemanda ni Martin ang nasabing magazine, pero ayon sa balita ay ikinonsulta na raw ng ina ni Martin na si Gng. Conchita Razon ang usaping ito sa kanilang abogado at tinitingnan nila ngayon kung ano ang kanilang ‘legal options’.

Sa parte ng pamunuan ng nasabing magazine, nabanggit sa amin ng YES! editor-in-chief na si Ms. Jo-Ann Maglipon na wala silang dapat ikabahala sa bagay na ito dahil alam nilang malinis ang pagkakalahad nila sa istorya ni Pops at wala silang nakikitang anumang libelous dito.

Bukod doon ay inilabas din nila ang panig ni Martin side-by-side sa artikulo ni Pops.

Ang matagal nang kaibigan ni Martin na si Leah Salterio ang sumulat ng panig ni Martin, kahit pa hindi ito direktang sagot sa mga isiniwalat ni Pops.

Nabanggit din sa amin ni Ms. Jo-Ann na kung nais sagutin ni Martin punto-por-punto ang lahat ng mga isiniwalat ni Pops ay hindi nila ipagdaramot ang pagkakataong ‘yon kay Martin dahil palagi silang patas sa anumang isyung inilalathala nila.

Nais ding linawin ni Ms. Maglipon na hindi ginamit ni Pops ang kanilang magazine upang magkaroon ng ingay o i-promote ang December 8 concert nito sa Araneta Coliseum na Diva-licious.

Aniya, hindi kailanman nabanggit ang anumang bagay tungkol sa concert sa 16-pahinang salaysay ni Pops. [Abante-Tonite]

If you like the post, please subscribe to my blog feed or Subscribe to Dahan-dahan Lang by Email



3 Responses to “Martin Nievera, sirang-sira sa revelations ni Pops”

  1. yaks! martin!

  2. Buti nga sa iyo Martin!

  3. Lumabas din ang totoo! Mas yaks si yun kabit nya! Ang kapal ng mga mukha nila, dapat lang talaga magalit si Pops.

Leave a Reply