Dahan-dahan Lang
Entertainment News. Celebrity Gossip. American Idol. Babes. Hunks. Served hot and fresh.







KABADO sina Mother Lily at Maja Salvador a few minutes before the premiere night. Panay-panay naman ang buntung-hininga ni Jason Abalos at pisil ni Judy Ann Santos sa kamay ni Ryan Agoncillo.

Saka lang sila nakahinga nang mabungaran ang sangkatutak na mga taong sumalubong sa kanila sa lobby ng Cinema 6, sa SM Megamall noong Lunes, premiere ng pelikulang My Kuya’s Wedding. Maraming hindi nakapasok, pero inaliw naman sila ng cast bago tuluyang pumasok sa sinehan.

Sinorpresa sila ng presence nina Phillip Salvador at Sen. Bong Revilla. Mind you, hindi po nag-uusap sina Ipe at Bong na pareho silang pupunta sa premiere night.

Nagkabiglaan lang. Si Phillip dahil pamangkin si Maja na ini-launch for to full stardom ng Regal Entertainment. Si Bong naman was out to offer Maja a very important role in his next Metro Manila Film Festival.

In full force na dumating ang mga barkada nina Maja at Jason tulad nina Mat Evans with matching real GF, Olyn Meinban, Gerald Anderson (without Kim), Carla Humphries, Denise Laurel, Geoff Eigenman, Jay-R Siaboc, Pooh, Melissa Ricks, Charee Pineda, at Sen. Loren Legarda, mga big bosses ng ABS, Deo Edrinal, Erick Salud, Trina Dayrel, Joel Lamangan at sangkatutak pang iba at may Lovi Poe pang bagong contract star ni Mother Lily.

Napakaganda rin ng reviews ng mga piling kritikong dumating. Wala kang itulak-kabigin sa apat na major stars ng pelikula. Ang gagaling nina Pauleen Luna, Jason, Ryan at lalo na si Maja.

Tuluy-tuloy na kung gayun ang pagsasama nina Maja at Jason bilang bagong John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ng Star Cinema. Pero, bago ito, susubukan muna nilang tulungan ang mga bagong salta sa Kapamilya station. Si Matheo kay Maja at si Charee para kay Jason.

[Journal.com.ph]

If you like the post, please subscribe to my blog feed or Subscribe to Dahan-dahan Lang by Email



Leave a Reply