Bong Alvarez hits Gretchen Malalad
My Goodness! I used to like Bong Alvarez when he was still playing in the PBA with the San Miguel Beermen. After a while, he sort of vanished from TV and I never heard anything from here again. But then now, he shows up, but not in a good way I must say. Dude became a troublemaker and that’s just so bad.
Bong Alvarez elbowed Gretchen Malalad. Gretchen the Taekwondo expert. Yeah, and for sure, Gretchen fought back and beat the hell out of Bong. Good for him.
Here’s some report from Abante Tonite:
Nabulilyaso na naman ang dating basketbolistang si Bong Alvarez nang masangkot ito sa kasong bugbugan. Ayon sa nakuha naming kuwento sa police station ng Mandaluyong, sumakay si Bong Alvarez sa taxi galing Timog Ave-nue at nagpahatid ito sa Manadaluyong.
Kuwento ng taxi driver, lasing na lasing daw itong si Bong at umiinom pa ito sa loob ng taxi hanggang sa nakatulog ito. Pagdating ng Mandaluyong, ginising daw ng taxi driver si Bong para tanungin kung saan na ito bababa.
Hindi raw niya alam kung saan siya bababa, sinabihan daw ang driver na ihatid siya ng Quiapo. Paalis na raw sana siya, kung saan-saan na naman daw pinapaikot ni Bong ang taxi. Sinabihan daw ng dri-ver si Bong na bumaba na lang ito at sumakay sa ibang taxi kahit huwag na siyang bayaran.
Nagsisigaw na raw itong si Bong hanggang sa tumigil ang driver. Sinipa at pinagsusuntok daw ito ni Bong na nakaupo sa likod. Bumaba raw ang driver at naghabulan pa raw sila, pero napuruhan pa rin ang driver sa pambubugbog ni Bong. Humingi daw ng tulong ang driver sa mga tanod kaya nadala sila sa may police station ng Mandaluyong.
Pagdating sa police station, nagkataong nandu’n ang lady reporter ng TV Patrol at dating PBB housemate na si Gretchen Malalad. Lumapit itong si Gretchen para interbyuhin sila pero tumanggi itong si Bong. Sinabihan daw ni Bong si Gretchen na bubugbugin ang cameraman kung patuloy siyang kukunan. Kaya ang taxi driver na nagrereklamo ang nilapitan ni Gretchen para interbyuhin.
Paglabas daw ni Bong kung saan nakatayo si Gretchen sa pinto, pasimpleng siniko raw ni Bong nang malakas si Gretchen na muntik nang ikinatimbuwang ng huli. Lumapit pa raw si Bong para sapakin si Gretchen, mabuti’t nakadepensa raw itong huli hanggang sa nagkabugbugan na rin sila.
Gold medalist at taekwondo expert si Gretchen.
Ang ending, kinasuhan si Bong ng Physical Injuries ni Gretchen at ng taxi driver. Nadagdagan ito ng isa pang kaso na isinampa ng mga imbestigador na pulis ng Mandaluyong Police Station dahil hindi maganda ang inasal ni Bong habang iniimbestigahan ito. Humingi na raw ng apology si Bong kay Gretchen at sa taxi driver na tinanggap nila pero itutuloy pa rin daw nila ang kaso.
Napilitang lumabas si Almira Muhlach (asawa ni Bong) na naka-confine sa hospital at sumugod ito sa police station. Umiiyak si Almira pagdating ng police station dahil sa panibagong gulo at kahihiyang pinasok ng kanyang asawa. Si Tita Anabelle Rama ang unang dumating para tulungan ang mag-asawa. “Tumawag kasi sa akin si Almira, umiiyak dahil sa nangyari kay Bong. Wala raw silang abugado at pampiyansa kaya tulungan ko naman siyempre dahil alaga ko naman si Almira at matagal nang kaibigan ito ni Ruffa,” pahayag nito. “Nandito ako para kay Almira dahil naaawa na ako. Hindi ko naman ka-close si Bong, eh.”
Ayon sa nakarating na balita sa amin, matagal nang on the rocks ang pagsasama ng mag-asawa kaya halos gabi-gabi daw naglalasing si Bong.
Related posts:
- Gretchen Barretto ‘kissing pics’ Part Two
- “Entertainment Live” apologizes to Gretchen Barretto
- Gretchen Baretto and John Estrada - kissing
- Bong Revilla and Lani Mercado admit feeling disappointed by Inah’s unexpected pregnancy
- Gretchen Barretto - Please Don’t Ask Me







